GOLDEN JUBILEE CELEBRATION OF THE DIOCESE OF CABANATUAN

This is the official jubilee logo of the GOLDEN JUBILEE celebration of the Diocese of Cabanatuan.

LET US SUPPORT TO BUILD St. JOSEPH CHURCH

St. Joseph The Husband of Mary Parish.

SAN PEDRO CALUNGSOD CHAPEL BLESSING

Sitio Pineda, Brgy Bagong Sikat, Cabanatuan City

MEDICAL and DENTAL MISSION 2013

Alay Pasasalamat sa Ikalimang Anibersaryo ni San Jose.

PASASALAMAT, PANANALIG, PAGLILINGKOD

Ikalimang TAONG Anibersaryo sa taon ng Jubileo.

Friday, November 9, 2012

Visit of the Our Lady of PeƱafrancia


Visit of the Our Lady of PeƱafrancia at St. Joseph the Husband of Mary Parish, bangad, Cabanatuan City.  November 12-16, 2012.

YOU are called to receive the BLESSINGS of JESUS CHRIST through Our LADY OF PEƑAFRANCIA.

Sunday, October 21, 2012

Ang Talambuhay ni Beato Pedro Calungsod


Ang Talambuhay ni Beato Pedro Calungsod


Si PEDRO CALUNGSOD ay isang kabataang nagmula sa rehiyong Bisaya ng Pilipinas. Konti lamang ang nalalaman tungkol sa kanyang buhay. Ayon sa mga nasusulat, si Pedro ay tinuruan upang maging katekistang layko sa seminaryo minore ng mga Heswita sa Loboc, Bohol. Para sa mga batang nahimok tulad niya, ang paghuhubog ay kinabibilangan ng pag-aaral ng katekismo, wikang kastila at latin. Ipadadala sila pagkatapos sa mga baryo kasama ng mga pari upang gampanan ang kanilang pang-araw-araw na gawain bilang mga sakristan o katekista. Ang iba sa kanila ay ipinapadala sa misyon sa ibayong-dagat kasama ng mga Heswita sa kanilang mapanghamong gawain ng pagpapahayag sa Mabuting Balita at ang pagtatag ng pananampalatayang katoliko sa mga banyagang lupain. At ito ang naganap kay Pedro Calungsod.

Noong ika-18 ng Hunyo 1668, ang masigasig na Heswitang superyor na si Padre Diego LuĆ­s de San Vitores ay tumugon sa “espesyal na tawag” at nagsimula ng bagong misyon kasama ng 17 kabataang lalaki at mga pari sa mga isla ng Ladrones. Si Pedro ay isa sa mga batang katekistang nagpunta sa Kanlurang Pasipiko upang ipahayag  ang Mabuting Balita sa mga katutubongchamorro


Mula sa Mabuting Pakikitungo hanggang sa Pagkapoot

Ang buhay sa Ladrones ay mahirap. Ang mga panustos para sa misyon tulad ng pagkain at iba pang pangangailangan ay hindi regular na dumarating; ang mga gubat ay napakasusukal tahakin; ang mga talampas ay napakatatarik akyatin; at ang mga isla ay palagiang binabayo ng mga bagyo. Sa kabila ng lahat, ang mga misyonero ay hindi pinanghinaan ng loob, at ang misyon ay pinagpala sa dami ng taong nagbagong-loob sa Diyos. Ginalugad ng mga misyonero ang mga liblib na lugar at nakapagbinyag ng higit sa 13,000 katutubo. Sinimulan na din ang pagtatayo ng mga kapilya sa iba’t-ibang lugar sapagkat lumalawak na ang gawain ng pagtuturo. Isang paaralan at isang simbahan sa karangalan ni San Ignacio de Loyola, ang naitatag sa lungsod ng Agadna sa hilagang-silangan. Kinalaunan, ang mga isla ay muling pinangalanang “Marianas” sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria at ng Reyna-Rehente ng Espanya, si MarĆ­a Ana, na siyang tagatangkilik ng misyong yaon.

Di naglaon, ang mabuting pakikitungo ng mga katutubo ay naging poot sapagkat ang mga misyonero ay nagsimula ng mga pagbabago sa nakaugalian ng mga chamorro na hindi angkop sa Kristiyanismo. Ang mga misyonero ay tumutol sa pagsamba nila sa kanilang mga ninuno. Hinuhukay ng mga chamorro ang mga bungo ng mga namayapang kamag-anak at itinuturing ito bilang mapaghimalang anting-anting. Ang mga ito’y idinadambana sa mga espesyal na bahay na binabantayan ng mga katutubong salamangkero na kung tawagin ay macanja. Ang mga chamorro ay nagdarasal sa ispiritu ng kanilang mga ninuno upang swertehin, magkaroon ng magandang ani at manalo sa digmaan.

Tumutol din sila sa kaugalian ng mga kabataang lalaki na tinatawag na urritao sa kanilang pakikipagniig sa mga kabataang babae sa mga pampublikong lugar na walang basbas ng sakramento ng kasal sapagkat itinuturing nila ang ganitong pagkakalakal ng sarili bilang bahagi ng kanilang pamumuhay.

Hindi rin sila naibigan ng mga chamorrong nasa mataas na antas sa lipunan o matua na nag-utos na ang biyaya ng pagiging Kristyano ay nararapat lamang sa kanila. Ang mga mabababa ang antas sa lipunan ay hindi daw dapat bigyan ng karapatang maging mga kristiyano.
Read more...

Thursday, October 18, 2012

Pandaigdigang Linggo ng Misyon (World Mission Sunday 2012)



DIYOSESIS NG CABANATUAN
TANGAPAN NG OBISPO
LUNGSOD NG CABANATUAN

PARA SA:                  Kaparian, Mga Madre, Mga Lider Layko, Mga Paaralang Katoliko,
    Mga Kilusang   Pangsimbahan,  at Mga Binyagan

TUNGKOL SA:         Pandaigdigang Linggo ng Misyon (World Mission Sunday 2012)
MULA SA:                 Tanggapan ng Obispo

Mga Minamahal na kapatid,

Muli na namang sumapit ang Pandaigdigang Linggo ng Misyon. Sa taong ito, higit na pinatitingkad ang pagdiriwang na ito sa mga Jubileo na ating ipinagpapasalamat. Tatlong Dakilang Jubileo ang ating kinapapalolooban. Una, sa ating Simbahang Lokal,ang Diyosesis ng  Cabanatuan ay nagdiriwang ng Taon ng Paggunita, sa pagsapit ng ating Limampung Ginintuang Taon ng Pagkakatatag bilang isang Diyosesis. Ikalawa,  sa Simbahang National ang ating bansang Pilipinas, ipinagdiriwang ang Ikawalumpung Taon ng Pontifical Mission Societies, isang Sangay ng Tanggapan ng ating Santo Papa na naglilingkod sa buong mundo sa gampanin ng pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko. At ikatlo, sa Simbahan sa buong mundo ng Kristiyanismong Katoliko ang Jubileo ng pagsapit ng Ikalimampung Taon ng Konsilyo Vaticano II, at Ikadalawampung Taon ng Katesismo ng Simbahang Katoliko. Ipinamamanhik ng ating Santo Papa, na ito ay ipagdiwang bilang Taon ng Pananampalataya.

Tunay nga ang Jubileo ay Taon ng Dakilang Biyaya at gayundin naman Taon ng Pagdinig sa Tawag at  Hamon ng  Pananampalataya. Angkop at napapanahon ang Tema ng Pandaigdigang Linggo ng Misyon na inilahad ng ating Santo Papa “Called to Radiate the Word of Truth” -Tinawag upang Papagningningin ang Salita ng Katotohanan. Ito ay hango rin sa liham ng ating Santo Papa Benedicto XVI” Porta Fidei”- Pintuan ng Pananampalataya para sa Taong ito ng Pananampalataya.

Sa ating Diyosesis, dama ko ang maalab na pakiki-isa ng ating mga mananampalataya sa gampanin ng pagbibigay patotoo sa Salita, na walang iba kundi ang ating Panginoong Hesus, ang Salita na nagkatawang Tao (Juan 1:14). Ito ay aking ikinalulugod at pinasasalamatan. Samantala, aking din namang ipinamamanhik sa  bawat mananampalataya na higit pang paigtingin ang pakikisangkot at pagtataya sa gampanin ng Ebanghelisasyon. Ang Dalaw Kristiyano na programa ng ating Pastoral Commissions  ay patuloy at higit nating itangkilik at paglaanan ng panahon at sakripisyo hanggang masapit natin ang lahat ng mga Barangay at Sitio  ng ating mga Parokya, dinadalaw at pinupukaw ang pananampalataya ng ating mga kapatid na maralita at bihirang makarinig ng biyaya ng Salita ng Diyos at Mabuting Balita  na hatid nito. Marapatin sana nating lahat na ito ay  mapagtulungang gampanan sa diwa ng pasasalamat sa Diyos.

Sa puntong ito, nais kong muling pasalamatan ang lahat ng bukas-palad na mananampalataya na naglimos sa nakaraang taong Pandaigdigang Linggo ng Misyon at muling hingin ang inyong pag-aabuloy para sa taong kasalukuyan. Ang ating pagkilala sa mga Parokya at mga paaralan kasama ang mga Samahang Pangsimbahan at ang mga Pastoral Councils, pamparokya at pambarangay sa inyong mga pagsisikap. Hayaan po ninyong basahin natin bilang ulat ang mga    Parokya at mga Paaralan at ang kanilang mga limos:


Ipinagtatagubilin naming basahin ang palibot-liham na ito sa lahat ng Misa ng Sabado,Oktubre 20, at sa lahat ng Misa at Bible Services sa mga barangay ngayong Linggo, ika-21 ng Oktubre. Ang lahat ng abuloy sa mga Misa at Bible Services ng Oktubre 20 at 21, pati na ang laman ng mga World Mission Sunday ay lalagumin at ipadadala sa Tanggapan ng Obispo na siya namang magpapadala  nito sa Roma upang maipamahagi sa lahat ng mga misyonero sa buong mundo.

Ipinagkaloob sa Tanggapan ng Obispo, Lungsod ng Cabanatuan, ngayong ika-15 ng Oktubre 2012 sa pagsapit ng Kapistahan ni Sta. Teresa Avila.


Lubhang Kgg. Sofronio A. Bancud, S.S.S., D.D.
Obispo ng Cabanatuan 


                                                                                                                                       




Monday, October 8, 2012

PRIMER ON THE YEAR OF FAITH AND ON THE NEW EVANGELIZATION


ARCHDIOCESE OF COTABATO
Archbishop Mongeau Center
141 Sinsuat Avenue, 9600 Cotabato City
Philippines

PRIMER ON THE YEAR OF FAITH
AND ON THE NEW EVANGELIZATION

1.  What is the Year of Faith?

On 11 October 2011 Pope Benedict XVI issued his Apostolic Letter, Porta Fidei, Door of Faith (PF), and declared a Year of Faith from 11 October 2012 to 24 November 2013. The Year of Faith would be “a good opportunity to usher the whole Church into a time of particular reflection and rediscovery of the faith” [PF, no 4]. It would be a year “to rediscover the joy of believing and the enthusiasm for communicating the faith” [PF, no. 6]. The Year of Faith is a “summons to an authentic and renewed conversion to the Lord, the one Savior of the world,” a year to intensify the renewal of the Church [ibid.].

2. What is the significance of the starting and ending dates of the Year of Faith?

The starting date, October 11, 2012, is the 50th anniversary of the opening of the Second Vatican Council, Vatican II (1962-1964). This Council led to the deepening and greater understanding of our faith and to the comprehensive renewal of the Church as it confronted the many changes of our times. The same date is the 20th anniversary of the Catechism of the Catholic Church (CCC) which is the summary of our Christian faith. The ending date, November 24, 2013, is the Feast of Christ the King who is the center of our profession of faith.

3. What is faith?

“Faith is first of all a personal adherence of man to God. At the same time… it is an assent to the whole truth that God has revealed” [CCC, no. 150; CBCP-ECCE, Catechecism for Filipino Catholics (CFC), 1997, nos. 114-15]. Faith, therefore, is a personal acceptance of God as the source of everything that we are and have. It also means to obey God. To obey comes from the Latin word ob-audire, to hear or to listen. Faith means to “submit freely to the word” of God [CCC, no. 144] who in many ways speaks to us, such as in the Sacred Scriptures, in the Church, in the celebration of the Liturgy, in prayer, or in ordinary situations of life.

Monday, September 24, 2012

First Class Relic of St. Bro. ANDRE BESSETTE



The Parish of St. Joseph in Bangad, Cabanatuan City is so blessed to have the First Class Relic of St. Bro. Andre Bessette from the Oratory of St. Joseph in Montreal, Quebec, Canada.
The certificate of authenticity says ex tela sanguinis, meaning from the blood.We invite everyone to come and venerate the relic of this Miracle Worker from Canada whose devotion to St. Joseph was so great. Ite Ad Joseph. Go to St. Joseph.


Saint AndrĆ© Bessette: Montreal’s Miracle Worker

[This article was formerly titled "Blessed Brother AndrƩ of Saint Joseph." With the canonization of Frere AndrƩ on October 17, 2010, we have changed the name to something more fitting. The author is grateful that he had the grace to be present in St. Peter's Square when the Holy Father solemnly declared his patron a saint.]
In the city of Montreal, Province of Quebec, Canada, on a rise of earth known as Mount Royal, there stands a religious edifice of staggering proportions. It is three hundred and sixty-one feet high, taller than either Saint Patrick’s Cathedral in New York or the Cathedral of Notre Dame in Paris.
Its girth is so massive that it could hold within itself any one of most of the world’s great shrines, including Saint Anne de BeauprĆ© and Saint Paul of London. The cross atop its domed roof can be seen for miles around, guiding the millions of pilgrims who come there each year. It is the Oratory of Saint Joseph, a worthy tribute to him who is the head of the Holy Family and the Patron of the Universal Church.
If one were to ask any Canadian for the name of the person who built this magnificent House of God, he would be told, “Brother AndrĆ©.” Yet, this little lay brother’s name does not appear on any of the official records of the building of the Oratory. He was only a porter — a doorman — at a college owned and operated by his religious congregation. He was a little man, both in size and, if one were to judge by appearance, in importance. He was not a priest; therefore he could neither offer Mass nor preach. Because of poor education, he did not know how to read or write until he reached the age of twenty-five.
How is it, then, that this little brother is known and venerated all over the world as the little saint who built the Oratory of Saint Joseph in Montreal? It is our privilege within the following pages to provide you an answer to that question.

The Early Years

On August 9, 1845, Alfred Bessette was born to Isaac and ClothildeBessette, the eighth in what would become a family of twelve children. The Bessettes were a poor French Canadian family who lived in the farming village of St. Gregoire, thirty miles from Montreal, and about the same distance from the border of the United States. Isaac and Clothilde were devout Catholics who, by their own example, taught their children the virtuous habits of prayer and hard work, habits which were to become for little Alfred the key to his ultimate sanctity as Brother AndrƩ.

Its girth is so massive that it could hold within itself any one of most of the world’s great shrines, including Saint Anne de BeauprĆ© and Saint Paul of London. The cross atop its domed roof can be seen for miles around, guiding the millions of pilgrims who come there each year. It is the Oratory of Saint Joseph, a worthy tribute to him who is the head of the Holy Family and the Patron of the Universal Church. read more...

Tuesday, September 11, 2012

PAGTUTULUNGAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAAN SA PAGTUGON SA MGA ALALAHANING PANLIPUNAN


PALIBOT-LIHAM BLG. 2
SERYE NG 2012

PARA SA:      KAPARIAN, RELIHIYOSO AT RELIHIYOSA, LIDER LAIKO AT MGA MANANAMPALATAYA

MULA SA:      TANGGAPAN NG OBISPO

TUNGKOL SA:  PAGTUTULUNGAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAAN SA PAGTUGON SA MGA ALALAHANING PANLIPUNAN


Mga minamahal na kapatid kay Kristo Hesus,

Humigit kumulang siyam na buwan na lamang ang ating ipinaghihintay sa pagsapit ng pagdiriwang ng ika-limampung taon ng pagkakatatag ng ating diocesis. Tulad ng isang inang nagdadalang-tao, pinaghahandaan natin ng buong pananabik ang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng ating Ginintuang Jubileo sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa yaman ng ating kasaysayan at paggunita sa “abot-abot na biyaya” (Juan 1:16) ng Diyos sa atin.

Ngayong Taon ng Paggunita, napakahalagangbalikannatin ang paglalakbay na ating tinahak bilang isang diocesissa pagharap at pagtugonsa mgaalalahaning panlipunan.Mapalad ang ating diocesis dahil may mga lingkod-bayan sa ating lalawigan na nagingkatuwang natin sa ating sama-samang pagtugon sa mga suliranin ng ating sambayanan.

Noong nababahala ang marami sa atin dahil sa pagdami at pagsulpot ng mga motel, bahay-aliwan at beerhouse sa ating lalawigan, at sa pagpapatayo ng casino sa bayan ng San Leonardo, gumawa ang Simbahan ng ilang mga hakbang bilang pagtupad sa atas na maging Ina at Tagapagturo ng mga binyagan. Sa pamamagitan ng mga liham pastoral, mga pahayag at pagkilos, ating ipinakiusap sa mga pinuno ng ating mga pamahalaang lokal na bigyang-pansin ang mga alalahaning ito na yumuyurak sa dangal ng tao. Sa ating pakikipag-ugnayan at pakikipag-dayalogo sa kanila, ipinahiwatig natin ang saloobin at paninindigan ng ating mga mananampalatayapara sa kabutihan ng tao at ng kanyang pamilya.

Bilang pagkilala sa kanilang paninindigan, ating pasalamatan ang mga namumuno sa ating pamahalaang lokal na naging katuwang natin na tanggihan ang mga bagay na makasisira sa buhay at dangal ng tao. Sina Mayor Elan Nagano at buong Sangguniang Bayan ng San Leonardo, sa pagiging bukas na nagbigay-daan upang hindi na matuloy ang pagtatayo ng casino. Gayundin si Mayor Santy Austria,sa panininidigang ipagbawal ang pagtatayo ng   beerhouse at sugalan sa Jaen. Si Mayor Nery Santos, na ipinagbawal ang pagtatayo ng mga bahay-aliwan sa Talavera.

Pinasasalamatan din natin ang tatlong kongresista sa ating lalawigan na nakasama natin sa pagtutol sa RH Bill, sina Congresswoman Cherry Umali(3rd District), Congressman Rody Antonino(4th District), at Congressman Joseph Violago(1st District).

Patuloy nating ipagdasal ang lahat ng mga lider-lingkod sa ating pamahalaan. Buong pagmamalasakit nawa nilang itaguyod ang pangkalahatang kabutihan nang hindi nagsasamantala sa kahinaan at kahirapan ng mga mamamayan. Hinihimok ko rin ang lahat ng ating mga mananampalataya na inyong itaguyod sa ating mga pamayanan ang mabuting pamamahalaat matuwid na paglilingkod sa bayan.Sa tulong ng panalangin ng Birheng Divina Pastora, pagpalain nawa ng Diyos ang ating mga pagsisikap upang matamo ng ating bansa ang tunay na pagbabago at pag-unlad ng ating pamayanan.

Nilagdaan at ipinagkaloob dito sa Tanggapan ng Obispo, Lungsod ng Cabanatuan, ngayong ika-8 ng Setyembre, taong 2012, sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.
 


+SOFRONIO A. BANCUD, SSS, DD
Obispo ng Cabanatuan

Monday, August 13, 2012

ORATIO IMPERATA UPANG IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD


Makapangyarihang Ama, itinataas namin ang aming mga puso sa pasasalamat sa Iyong mga kahanga-hangang ginawa na kung saan kami ay bahagi, gayundin sa pagtataguyod mo sa aming mga pangangailangan at sa Iyong karunungan na gumagabay sa lahat ng pagkilos ng sangnilikha.

Kinikilala namin ang aming mga kasalanan sa Iyo at sa lahat ng Iyong nilikha. Kami ay hindi naging mabuting katiwala ng Kalikasan.Hindi namin naunawaan ang Iyong kautusan na pamahalaan ang daigdig. Ang kalikasan ay nasasalanta dahil sa aming mga kamalian, at ngayon ay inaani namin ang bunga ng aming pang-aabuso at kawalang pakialam.

Narito na ang global warming. Ang mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at iba pang kalamidad ay paparami at tumitindi.  Lumalapit kami sa Iyo, aming mapagmahal na Ama, at humihingi ng tawad sa aming kasalanan.

Hinihiling namin na kami, ang aming mga mahal sa buhay at ang aming mga pinaghirapang ari-arian ay maligtas mula sa mga banta ng kalamidad likas man o gawa ng tao. Isinasamo namin na kami ay pagkalooban Mo ng inspirasyon na lumago sa pagiging mabuting katiwala ng Iyong Nilikha at maging bukas palad kami sa mga nangangailangan naming kapwa. Amen.

PANALANGIN UPANG HINDI MAISABATAS ANG HOUSE BILL NO. 4244 OR “RESPONSIBLE PARENTHOOD BILL”


O Panginoon naming Diyos, aming Mapagmahal at Makapangyarihang Ama, Ikaw ang lumikha sa amin. Ang aming buhay at lahat ng mabubuting bagay na nasa amin ay galing sa Iyo. Alam mo kung ano ang nakabubuti sa amin at nakasasama. Binigay mo sa amin ang iyong mga batas upang ituro sa amin ang landas patungo sa aming tunay na kabutihan at kaligayahan.

Gabayan mo ang aming mga Mambabatas sa Kongreso at Senado upang hindi sila gumawa ng batas na laban sa iyong Batas. Sana matanto nila na ang anumang batas na salungat sa iyong kalooban ay nakasasama sa mga taong bayan.

Panginoon, sinasamo namin sa Iyo, na liwanagan nawa ng Epiritu Santo ang mga isipan ng mga mambabatas upang hindi aprubahan ang House Bill No. 4244, dating “Reproductive Health Bill”, ngunit ngayon ay “Responsible Parenthood Bill”. Ang “bill” na ito ay laban sa iyong Batas tungkol sa buhay, pag-aasawa at pamilya. Ang “bill” na ito ay magdadala ng malaking kasamaan sa aming lahat: Katoliko man o hindi.

Sa pamamagitan ni Kristo, pakinggan mo ang aming panalangin. Amen.

Mahal na Birhen Divina Pastora, Ipanalangin mo kami.
San Nicolas de Tolentino, Ipanalangin mo kami. 

Tanong at Sagot Tungkol sa RH Bill 4244

Tanong 1. Wala po kaming panahong basahin at unawain ang kopya ng RH Bill na nasa kamay namin, pero napanood po naming pinagdedebatihan sa tv. Ano po ba talaga ang kontrobersyal na RH Bill na yan?
Sagot: Ito ang Reproductive Health Bill 4244, na naka-base sa paniniwalang labis nang lumolobo ang populasyon ng Pilipinas na siyang nagiging sanhi ng lubos nitong paghihirap. Maraming ulit na itong isinususog sa kongreso ng Pilipinas ngunit hindi ito makapasa para maging batas.

Tanong 2. Bakit po hindi ito makapasa, samantalang sabi po sa debate ay mabuti daw ito?
Sagot: Kung lubos na mabuti ito, di sana’y matagal na itong naging batas. Marami pong mga bagay sa RH Bill ang tinututulan ng maraming kongresista, unang-una na ay yung pinagpipilitan ng Bill na gawing solusyon sa kahirapan ang pagliit ng populasyon. Pakay ng RH Bill na magpamigay ang gobyerno nang libre sa mahihirap ng mga gamot at serbisyong nakapipigil sa pagbubuntis, tulad ng mga birth control pills, condoms, IUD, ineksiyon atbp. Isinasaad sa Sec. 10 ng Bill na ang mga ito daw ay dapat ibilang na mga “essential medicines and supplies of all national and local hospitals and other government health units”. Humihingi ang RH Bill ng budget na tatlong bilyong piso bilang panimula, halagang manggagaling po sa kaban ng bayan—opo, sa ating mga mamamayang nagbabayad ng buwis. Ang higit na makikinabang at tutubo sa ganitong sistema ay ang mga pharmaceutical companies pagkat gagawin nang batas ang pagbili ng mga produktong naturan. Ibig sabihin, kapag nilabag mo, paparusahan ka dahil batas na siya. Ayon sa mga tumututol, hindi tama na ilagay sa panganib ang kalusugan ng mga ina at kababaihan sa paggamit ng mga naturang gamot at serbisyong ito na ayon din sa mga pagsusuri ng medisina ay nakakapinsala sa kalusugan ng gagamit. Makabubuti pa raw na ang salaping iyon ay gugulin na lamang sa mga bagay na higit na kailangan at makakatulong sa pag-unlad ng Pilipino, tulad ng pagpapagawa ng mga eskwelahan, kalsada, balon ng tubig, ospital, at sa pag-ayuda sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga maralita.

Tanong 3. Totoo po ba na sa RH Bill ay bibigyan ng sex education ang mga bata kahit Grade V pa lang?
Sagot: Totoo po. Yun po ay nasa “SEC. 16. Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education.” Lahat po ng mga estudyante mula Grade V to 4th year high school ay ipapailalim sa “sexuality education” kung saan matututuhan nila ang pagpaplano ng pamilya hindi lamang sa natural na paraan kungdi sa pamamagitan din ng paggamit ng mga makakapigil ng pagbubuntis tulad ng condom at pildoras. Kasama din sa mga ituturo ay ang tinatawag nilang “safe sex” o pakikipagtalik nang hindi nauuwi sa pagbubuntis o sa pagkahawa sa sakit ng katalik (AIDS, halimbawa).

Tanong 4. Anim na taong sex education? Wala po bang exemption diyan? Paano kung ayaw ng magulang?
Sagot: Opo, anim na taon, at wala pong takas ang bata dito pagka’t ipapaloob po ang sex education sa iba’t ibang subjects tulad ng Math, Physical Education, Social Studies, Values Education, atbp. Hindi rin po masasabi ng magulang na ipuwera ang anak nila sa Sex Education, pagkat hindi ito “optional” o magiging bukod na subject kundi sangkap ng bawat subject, sa buong anim na taon. At “mandatory” po ito, ibig sabihin, kailangan itong pag-aralan ng bata pagkat lahat po ng eskuwelahan ay kailangang sumang-ayon dito, kahit po yaong mga pintatakbo ng mga Muslim o Katoliko. Kahit ayaw ng mga magulang, wala silang magagawa.

Tanong 5. Mahaba-haba din yung anim na taon; ano po ang magiging epekto ng ganoong uri ng sex education sa pamilya?

Sagot: Bagama’t ayon sa RH Bill, magsasanay sila ng mga guro at iaakma ang pagtuturo ng sex education sa edad ng mga bata, marami pong mga magulang ang nababahala dito. Hindi daw tama na akuin ng estado ang karapatan at pananagutan ng mga magulang na magturo sa kanilang mga anak ayon sa kanilang paniniwala. Hindi raw tumpak na dumiretso ang gobyerno sa mga bata. Ayon sa ating Constitution, dapat suportahan— hindi pangunahan—ng gobyerno ang pamilya. Papaano kung ang gustong ituro sa eskuwela ay taliwas sa nais ng mga magulang na matutunan ng mga anak nila? Kung hangad ng gobyerno na tulungan ang mga anak ng mahihirap, dapat daw ay turuan nila ang mga magulang at hayaang ang mga ito ang pumili ng ituturo sa kabataan, pagkat sila ang nakakakilala ng kahinugan ng isip ng kanilang mga anak. Tutol sila na anim na taong tuturuan ang kanilang mga anak tungkol sa sexuality na sisimulan habang mura pa ang isipan ng mga bata, pagka’t sa loob ng panahong ito, maaaring mapunta sa hindi maganda ang pagpapahalaga ng mga bata tungkol sa katawan nila, lalo na’t libre ang mga gamot at serbisyong pipigil sa pagbubuntis.

Tanong 6. Parang mali nga yata na ipilit yan sa pamilyang Pilipino, parang nababale-wala ang Constitution at ginagawa lang tayong gaya-gaya sa mga puti .
Sagot: Tama, at hindi lamang iyan, pati ang mga matatanda ay apektado din: a) Ang mga may-ari ng pagawaan o opisina (employers) ay mapipilitang magdulot ng “reproductive health services” sa kanilang mga empleyado, kahit na tutol ang konsiyensya nila dito; at b) ang mga “health care service providers” naman (doctors, nurses, midwives atbp.) ay kailangang maging handang magbigay ng mga gamot na kontra-buntis o magsagawa ng vasectomy o ligation (pagtatali sa lalaki man o babae) kahit ito salungat sa turo ng kanilang relihiyon. Kung hindi nila tutuparin ang hinihingi ng batas, makukulong sila. Ang sistemang ito ay paglabag sa Art. III, Sec. 5 ng ating Constitution na gumagarantiya na “…The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.”

Tanong 7. Paaano po lalabag sa Constitution ang pagpapakalat ng contraceptive pills, libre pa naman ito.
Sagot: Walang birth control pills na syento-porsyentong epektibo sa pagpigil sa paglilihi. Kahit na umiinom na nito ang babae, maaari pa ring magtagpo sa pagtatalik ang itlog ng babae at semilya ng lalaki at bumuo ng bagong tao—ito ang “fertilization” at “moment of conception”. Ngunit kahit magkaroon ng “fertilization” sa isang babaeng nagpi-pills, hindi matutuloy ang pagbubuntis pagkat pinapanipis ng pills ang “lining” ng bahay-bata na siyang kakapitan ng “fertilized egg” upang maghanda sa kaniyang pagsilang makatapos ng siyam na buwan. Ito ang kahulugan ng “abortifacient effect” o “chemical abortion”—sa madaling salita, kinikitil nito ang bagong nilalang na nasa sinapupunan. Pagka’t ipinagkakait nito ang likas na ikinabubuhay ng “fertilized egg”, hindi na ito makakakapit sa matres at bagkus, ay ilalabas na lamang ito ng katawan na parang namuong dugo (blood clot) kasama ng regla. Sa katunayan, ang “namuong dugo” na ito ay tao na, miyembro na ng pamilya. Ang “chemical abortion” na ito ay labag sa Art. II, Sec. 10 ng Constitution na nagsasabing: “The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception…”

Tanong 8. Kung hindi naman po contraceptive pills ang gamit ng mag-asawa kungdi pagpapatali, siguro naman ay hindi na ito labag sa Constitution pagka’t wala naman pong bagong taong kinikitil ang vasectomy o ligation?
Sagot: Kapag naging batas ang RH Bill, kahit ang pagpapatali lamang ay maaari nang maging sanhi ng pagkakasira ng mag-asawahan pagkat ipapahintulot nito ang vasectomy at ligation kahit walang pagsang-ayon ng asawa. Puwede nang magpa-vasectomy si mister o magpa-ligate si misis nang walang paalam sa isa’t isa. Sa madaling salita, walang pakialaman. Sa gayon, isinusulong ng RH Bill sa tiyak na panganib ang pamilya at ang pag-aasawahan, isang tahasang paglabag sa Art. XV, Sec. 2 of our Constitution na nagwiwikang: “Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.” Sa paningin ng Constitution ang pag-aasawahan ay isang sagradong pundasyon ng lipunan na dapat pangalagaan ng estado. Sinisira ng RH Bill ang pundasyong ito, ang paggalang ng mag-asawa sa isa’t isa, ang pag-uusap, pagkakasundo at pagpapasiya nang maayos, bagkus ay ginagawa nitong tama ang “kanya-kanya mentality” na nakikita naman nating simula ng pagkakawatak-watak ng pamilya.

Tanong 9. Kung hindi po mapo-protektahan ng estado ang pamilya at pag-aasawahan, paano na po ang mga kabataan na anak ng mga pamilyang ito?

Sagot: Iyon na nga po ang napakasaklap dito. Kapag pumasa po ang RH Bill, pati na po ang mga menor de edad na dalagita na inaabuso o nabuntis ay maaari nang makinabang sa mga “reproductive health services” nang hindi na kailangang humingi ng pahintulot sa magulang. Kung magagalit at tututol ang mga magulang sa ibibigay ng mga “health centers” maaaring magsumbong ang anak at makulong pa ang mga “nakikialam” na magulang. Kung magiging libre na nga po ang mga pampigil sa pagbubuntis at hindi na rin maaaring pakialaman ng magulang ang kanilang mga dalagita, malamang na ikapariwara na rin ito ng mga kabataan. Kaya’t lalabagin po ng RH Bill ang likas at pangunahing karapatan ng mga magulang na palakihin at arugain ang kanilang mga anak upang maging mabubuting mamamayan, na nakasaad po sa Art. II, Sec. 12 ng ating Constitution: “…The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government.”

Tanong 10. Nakakakilabot namang isipin na magiging parang sapilitan ang pagsunod sa mga patakarang iyan! Ano po ang mangyayari kung hindi kami sasang-ayon kung sakaling maging batas na ang RH Bill?
Sagot: Paparusahan ang kahit sinong tao na maghahayag ng opinion o impormasyon na kontra sa hangad at nilalaman ng RH Bill kapag naging batas ito. Halimbawa, mga komentarista sa radyo, kolumnista sa diyaryo, mga guro, mga nag-ra-rally o nagse-sermon—maaaring makulong sila kapag hayagan nilang kinalaban ito. Samakatuwid, susuway ang RH Bill sa Art. III, Sec. 4 ng ating Constitution na nagsasabing “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press…” Kaya hindi tama na ipasa ito at gawing batas sapagkat lalagyan nito ng busal ang mga tao at hahadlangan ang ating karapatang magpahayag ng sarili ng buong laya.

Tanong 11. Ang ibig ba ninyong sabihin ay paparusahan ang kokontra sa RH Bill kapag naging batas na yon? Ano naman po ang parusa sa mga susuway?
Sagot: Opo, ang sino mang sasaway ay maaaring makulong o mamultahan. Halimbawa, nurse ka sa eskuwela, at may isang babaeng high school student na hihingi sa iyo ng “morning after pill”—iyon bang pildoras na iniinom ng babae kapag nakipag-sex siya nang walang “proteksyon” laban sa pagbubuntis noong nakaraang gabi; sinisiguro ng “morning-after pill” na dadating ang regla niya, kahit nagkataong “fertile” siya noong gabing iyon, pagka’t kaya nitong patayin ang kahit limang-araw na gulang na bata sa sinapupunan. Kung ikaw na nurse ay hindi magbibigay ng pill sa humihingi dahil alam mong “abortifacient” iyon at nakakalaglag, paparusahan ka—kulong o multa, dahil ang nasa Sec. 29 ng RH Bill: “Any violation of this Act or commission of the foregoing prohibited acts shall be penalized by imprisonment ranging from one (1) month to six (6) months or a fine of Ten Thousand (P 10,000.00) to Fifty Thousand Pesos (P 50,000.00)…”.

Tanong 12. Naku, ganoon pala, eh bakit po sa mga debate sa TV, lagi pong sabi ng mga sponsors ng RH Bill at ng mga artista sa panig nila, eh makakabuti daw yon sa kalusugan ng mga ina at kababaihan, at “women empowerment” pa daw iyon, kaya sino ba aayaw doon?
Sagot: Siyempre, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa mabubuting puntos ng RH Bill? Ang katawa-tawa po doon ay, ang matatawag na mabubuting bahagi ng RH Bill, yaong mangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan ay napapaloob na pong lahat sa tinatawag nating “Magna Carta for Women”! Samakatuwid, batas na, at kailangan lamang ay maigting na pagpapatupad! Ito’y buong giting pong ipinapaliwanag ng mga Kongresistang tutol sa RH Bill sa Batasang Pambansa kung saan masusing sinisiyasat ang RH Bill. Wika nila, kung tutuusin, kapag inalis sa RH Bill ang mga puntos nitong sakop na ng Magna Carta for Women, wala nang matitira kundi ang mga hindi kanais-nais na parte na ating tinatalakay dito.

Tanong 13. May magagawa ba kami para mahinto ang pagsulong ng RH Bill?
Sagot: Malaki. Simulan natin sa pag-iisip para matunton natin ang katotohanan: Bakit isinusulong ng RH Bill ang mga gamot at serbisyong napatunayan na ng medisinang nagdudulot ng higit na panganib kaysa tulong sa katawan ng babae? Bakit gagastahan ng gobyerno ng bilyon-bilyong piso ang mga gamot at serbisyong ito para pigilin diumano ang paglobo ng populasyon—na para ba itong sakit o epidemic na dapat sugpuin? Bakit sapilitang isasagawa ito sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga hindi sang-ayon? Bakit nais simulan ng RH Bill ang pagtuturo ng pananaw nito sa ating mga kabataan?
Ang paniniwala na ang malaking populasyon natin ang ugat ng ating kahirapan ay mula sa isipang banyaga na pilit ipinalululon ng RH Bill sa ating mga Pilipino. Idilat natin ang ating mga mata at tunghayan kung ano ang sinapit ng mga bansang nagpasa ng sistema ng RH Bill: nakakagimbal na pagdami ng sakit ng mga babae dulot ng paggamit ng contraceptive drugs and devices; pagkaubos ng lahi at pagtanda ng populasyon pagkat ayaw o hindi na mag-anak ng karamihan; pagkalat ng AIDS at iba pang mga sexually transmitted diseases (STD, o mga sakit na nakukuha sa pagtatalik); higit na pagdami ng pagbubuntis ng mga dalagita at higit na pagdami ng kasong aborsyon (kapag pumalpak ang inaasahang contraceptive drugs and devices); pagtaas ng bilang ng diborsyo; patuloy na pagkakawatak-watak ng mga pamilya, at marami pang ibang hindi natin kailanman nanaising mangyari sa ating bayan. Tayo lamang mga Pilipino ang magkapagsasabi kung paano natin iibsan ang ating kahirapan. Nawa’y makita ng lahat ng ating mga namumuno at mga mambabatas na tayo ay may sariling lakas, yaman at talino upang unawain at umahon sa ating kinasadlakang kahirapan, upang sa halip na higit tayong pahirapan ng RH Bill ay magkaisa tayo tungo sa ganap na pag-unlad ng sambayanang Pilipino.

Katesismo Ukol sa Relikya

Parokya ni San Jose Kabiyak ng Puso ni Maria
Bangad, Cabanatuan City 3100

Katesismo Ukol sa Relikya




Tuesday, July 31, 2012

Liham Pastoral ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas

Liham Pastoral ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas Ukol sa Panahon ng Bagong Ebanghelisasyon

ISABUHAY SI KRISTO, IBAHAGI SI KRISTO
Pagtanaw sa ating Ika-limandang Taon
Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko... (Mt. 28:19)

Tinatanaw natin nang may pasasalamat at kagalakan ang ika-16 ng Marso 2021, ang ikalimang sentenaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating lupain. Ginugunita natin nang may pasasalamat ang unang Misa na ipinagdiwang sa Isla ng Limasawa noong ika-31 ng Marso ng taon ding iyon. Ginugunita natin ang binyag ni Rajah Humabon na binigyan ng Kristiyanong pangalang Carlos at ang kanyang maybahay na si Hara Amihan na bininyagang Juana noong 1521. Nakatuon ang ating pansin sa Santo Nino de Cebu, ang pinakamatandang imahen sa Pilipinas, na regalo ni Ferdinand Magellan sa mga unang Pilipinong Katoliko ng taong iyon. Tunay na ang taong 2021 ay magiging isang Taon ng Dakilang Jubileo sa Simbahan sa Pilipinas.

Kaugnay nito, tayo ay maglulunsad ng siyam na taong espirituwal na paglalakbay na ang pinakatampok ay ang Dakilang Jubileo ng 2021. Ito ay isang kaganapang puspos ng mga biyaya na magsisimula sa ika-21 ng Oktubre 2012 hanggang ika-16 ng Marso 2021.

Tunay na mabiyaya ang ika-21 ng Oktubre ng taong ito, sapagkat isang Pilipino ang ibibilang ni Papa Benedicto XVI sa hanay ng mga banal, ang ating kababayang martir mula sa Kabisayaan  na si Pedro Calungsod na nag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa pananampalataya noong ika-2 ng Abril 1672 sa Guam.

Ang pagtatalaga kay Pedro Calungsod bilang santo ay magaganap sa liwanag ng ika-50 taong anibesaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, ng ika-20 taong anibersaryo ng paglilimbag ng Katesismo ng Simbahang Katolika, at ng pagpapahayag ng Santo Papa ng Taon ng Pananampalataya mula ika-11 ng Oktubre 2012 hanggang ika-24 ng Nobyembre 2013. Ang Ika-13 Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops na may temang “Ang Bagong Ebanghelisasyon para sa Paghahatid ng Kristiyanong Pananampalata” ay magaganap sa Roma   mula ika-7 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Oktubre ng taon din iyon.

PANANAMPALATAYA AT EBANGHELISASYON
Ang lahat ng kaganapang ito ngayong taon ay pinag-uugnay ng mga paksang “pananampalataya” at“ebanghelisasyon”. Ang ebanghelisasyon ay tumutukoy sa pagpapahayag, paghahatid at pagsaksi sa Mabuting Balita na ibinigay ng Panginoong Hesukristo sa sangkatauhan at ng pagbubukas ng buhay ng mga tao, lipunan, kultura at kasaysayan sa Katauhan ng Panginoong Hesukristo at sa Kanyang buhay na sambayanan, ang Simbahan.

Ang “Bagong Ebanghelisasyon na ito” ay nakalaan sa mga tumalikod sa Pananampalataya at sa Simbahan sa mga bansang Katoliko, lalo na sa Kanluran.
Hinahamon tayo ng “Bagong Ebanghelisasyon” sa Asya na muling isaalang-alang ang “mga bagong pamamaraan sa mabisang paghahatid ng Mabuting Balita sa mga tao. Hinahamon tayo na paunlarin sa Simbahan at sa ating bansa ang pinagpanibagong pagtatalaga ng sarili at kasigasigan sa pagsasabuhay ng Mabuting Balita sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Gayundin, tayo ay hinahamon na maging mga tunay na saksi ng ating pananampalataya, lalo na sa mga karatig bansa natin sa Asya bilang bunga ng ating pinaigting na ugnayan sa Panginoon.

ANO ANG MGA GAMPANING NAPAPALOOB SA PANAHON NG BAGONG EBANGHELISASYON SA PILIPINAS?
May apat na haligi ang mga gampanin:
Una, pagpapaunlad at pagsasakatuparan ng “missio ad gentes” bilang natatanging bokasyon ng ating Simbahan sa ating bansa, mabisang pakikipagtulungan sa mga layko; ang ating kaparian at mga seminarista; mga relihiyoso at relihiyosa.
Ikalawa, “paghahatid ng Mabuting Balita sa mga dukha”. Muli, bilang mga Pilipinong Katoliko na nagninilay sa ating mga prayoridad, nakikita natin na ating Simbahan ay dapat na maging tunay na “Simbahan para sa mga dukha at kasama ang mga dukha.”
Ikatlo, ang pag-abot sa mga kapatid natin na ang buhay pananampalataya ay gumuho na o naglaho na dahil sa pagkalito, moral na relatibismo, pag-aalinlangan, agnostisismo (o pagtanggi sa kakayahan ng tao na magkaroon ng kaalaman ukol sa Diyos); pag-abot sa mga lumayo sa Pananampalataya at Simbahan, at umanib na sa ibang relihiyon o sekta.

Panghuli, pagmumulat o pagmumulat na muli sa pananampalataya, paghuhubog sa Kristiyanong pamumuhay ng mga kabataan at mga samahang pangkabataan, sa mga lungsod at kanayunan.  
Ang siyam na taong paglalakbay para Bagong Ebanghelisasyon ay naitakda na at masayang magtatapos sa Taon ng Jubileo 2021: Paghubog sa Pananampalataya (Integral Faith Formation (2013); ang mga Layko (2014); ang mga Dukha (2015); ang Eukaristiya at Pamilya (2016); ang Parokya bilang Pagkakaisa ng mga Pamayanan (2017); ang Kaparian at mga Relihiyoso (2018); ang mga Kabataan (2019); Ecumenism at Inter-Religious Dialogue (2020); Missio ad gentes (2021). Ito ang siyam na pastoral na prayoridad ng Simbahan sa Pilipinas.

Isa-isa nating bibigyang pansin ang mga aspeto ng ating pananampalataya, ebanghelisasyon at pagiging disipulo. Marapat lamang na sa pagtanggap natin sa pananampalataya 500 taon na ang nakalilipas, ay mithiin natin na sa taong 2021 tayo ay maging isang tunay na Simbahan na humahayo.   
Sa gitna ng sekularismo na sa ilang bahagi ng mundo ay mistula ng isang “dominanteng relihiyon”, sa gitna ng katotohanan ng bilyong tao na nabubuhay sa panahon ngayon na hindi pa tunay na nakakatagpo si Hesukristo o nakakapakinig sa Kanyang Mabuting Balita, tayo ay hinahamon na magsumikap alang-alang sa “Bagong Ebanghelisasyon”. Para sa atin si Hesus ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay- paano natin hindi hahangarin na ibahagi Siya sa mga kapatid natin na hindi pa nakakakilala at nagmamahal sa Kanya, gayundin sa mga tatanggap pa  lamang ng kaganapan ng buhay na siyang dahilan kung bakit tayo nilikha at kung wala ito ay hindi tayo mahihimlay-hanggang kanilang matagpuan si Hesus at ang Kanyang puso na naghihintay sa kanila?

Gabayan nawa tayo ng Mahal na Ina sa ating mga mithiin at pagsisikap na ihatid sa sangkatauhan  si Hesukristo na kanyang anak, ang Emmanuel- ang Diyos na laging sumasaatin at ating pinananabikan.

Maranatha, AMEN.

Para sa Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas
+JOSE S. PALMA, D.D.
Arsobispo ng Cebu
Pangulo ng CBCP
Ika-9 ng Hulyo 2012

Monday, July 23, 2012

Mga Minamahal na Kapatid kay Kristo


Ika-22 ng Hulyo 2012


Mga Minamahal na Kapatid kay Kristo:

       Malugod naming ipinababatid sa inyo na mayroon tayong mga kapatid dito sa parokya na naglalayong makapaglingkod bilang mga Layko Ministro.
   
   Matapos ang masusing pagsisiyasat ukol sa kanilang kahandaan sa paglilingkod sila ay sasailalim sa paghuhubog sa pamamatnubay ng Cabanatuan Diocesan Lay Ministry. 


Nais naming kayong maging bahagi ng proseso ng pagpili sa kanila, kaya hinihiling naming na sila ay ipanalangin.
            
          Narito po ang kanilang mga pangalan:


1.      Delfin Abando
Brgy. Kalikid Norte, Cab. City
2.      Jude Balucanag
Brgy. Camp Tinio, Cab. City
3.      Fernando Blanche
UnivilleSubd., Bangad, Cab. City
4.      Rogelio Calica
Brgy.Camp Tinio, Cab. City
5.      Romeo Camaya
UnivilleSubd., Bangad, Cab. City
6.      PanfiloDulatre
Brgy.Camp Tinio, Cab. City
7.      Bayani Duque
UnivilleSubd., Bangad, Cab. City
8.      Claro Espelimbergo
PurokCasiong, Bangad, Cab. City
9.      Silvestre Hermosa
Brgy. Lourdes, Cab. City
10.  Romeo Hipolito
Brgy.Lagare, Cab. City
11.  Federico Maclang
Brgy.Camp Tinio, Cab. City
12.  Marcelino Maron
Brgy.Kalikid Sur, Cab. City
13.  Nestor Masaga
Brgy.Kalikid Sur, Cab. City
14.  Eduardo Mina
Brgy. San Isidro, Cab. City
15.  Feliciano Osorio
Brgy. Lourdes, Cab. City
16.  Baldwin Sawadan
Brgy.Camp Tinio, Cab. City



SumasainyokayKristo,

Padre Jose Salvador D. Mallari
Kura Paroko

Thursday, July 12, 2012

CBCP Pastoral Letter on the Era of New Evangelization

LIVE CHRIST, SHARE CHRIST
Looking Forward to Our Five Hundredth
Go and make disciples... (Mt. 28:19)

We look forward with gratitude and joy to March 16, 2021, the fifth centenary of the coming of Christianity to our beloved land. We remember with thanksgiving the first Mass celebrated in Limasawa Island on Easter Sunday March 31 that same blessed year. We remember the baptism of Rajah Humabon who was given his Christian name Carlos and his wife Hara Amihan who was baptized Juana in 1521. Our eyes gaze on the Santo NiƱo de Cebu, the oldest religious icon in the Philippines, gift of Ferdinand Magellan to the first Filipino Catholics that same year. Indeed the year 2021 will be a year of great jubilee for the Church in the Philippines.

We shall therefore embark on a nine-year spiritual journey that will culminate with the great jubilee of 2021. It is a grace-filled event of blessings for the Church starting October 21, 2012 until March 16, 2021.
How opportune indeed that on October 21 this year, the Holy Father Pope Benedict XVI will add another Filipino to the canon of saints of the Church, our very own Visayan proto-martyr Pedro Calungsod who gave his life for the faith on the morning of April 2, 1672 in Guam.
The canonization of Pedro Calungsod will take place under the brilliant light of the fiftieth anniversary of the opening of the Second Vatican Council, the twentieth year of the publication of the Catechism of the Catholic Church, and the declaration of the Year of Faith from October 11, 2012 until November 24, 2013 by the Holy Father. The XIII Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops with the theme “The New Evangelization for the Transmission of the Christian Faith” will take place in Rome from October 7 to 28 this year.


FAITH AND EVANGELIZATION
All these events happening this year are bound together by the themes of “faith” and “evangelization”. Evangelization indicates proclamation, transmission and witnessing to the Gospel given to humanity by our Lord Jesus Christ and the opening up of people’s lives, society, culture and history to the Person of Jesus Christ and to His living community, the Church.
This “New Evangelization” is primarily addressed to those who have drifted from the Faith and from the Church in traditionally Catholic countries, especially in the West.
What we are being called to do by this task of “New Evangelization” in Asia is to consider anew “the new methods and means for transmitting the Good News” more effectively to our people. We are challenged anew to foster in the Church in our country a renewed commitment and enthusiasm in living out the Gospel in all the diverse areas of our lives, in “real-life practice”, challenged anew to become more and more authentic witnesses of our faith, especially to our Asian neighbors as a fruit of our intensified intimacy with the Lord.


WHAT WILL THIS ERA OF NEW EVANGELIZATION FOR THE PHILIPPINES CONSIST OF?
The task stands on four pillars:
First, fostering and fulfilling the “missio ad gentes”, as a special vocation of the Church in our country, effectively involving our laypeople, our “Christifideles” brothers and sisters; our priests and seminarians; men and women in consecrated life.
Secondly, “bringing Good News to the poor.” Again and again, Filipino Catholics coming together to discern priorities, have seen that the Church here must become genuinely “a Church for and with the poor.”
Thirdly, reaching out to those among us whose faith-life has been largely eroded and even lost due to the surrounding confusion, moral relativism, doubt, agnosticism; reaching out to those who have drifted from the Faith and the Church, and have joined other religious sects.
Lastly, awakening or reawakening in faith, forming and animating in Christian life our young people and youth sector groups, in both urban and rural settings;
A nine-year journey for the New Evangelization has already been charted climaxing with the Jubilee Year 2021: Integral Faith Formation (2013); the Laity (2014); the Poor (2015); the Eucharist and of the Family (2016); the Parish as a Communion of Communities (2017); the Clergy and Religious (2018); the Youth (2019); Ecumenism and Inter-Religious Dialogue (2020); Missio ad gentes (2021). These are the nine pastoral priorities of the Church in the Philippines.
In the time before us, we will focus on these dimensions of faith, evangelization and discipleship, one by one. And it is most propitious that as we received the faith 500 years ago, so with the Year 2021we envision to become a truly sending Church.
In the face of a secularism which in some parts of our present world has itself become a kind of a “dominant religion”, in the face of the reality of billions who live in our time and who have not truly encountered Jesus Christ nor heard of His Gospel, how challenged we are, how challenged we must be, to enter into the endeavor of the “New Evangelization”! We for whom Jesus has been and is truly the Way, the Truth and the Life, -- how can we not want and long and share Him with brothers and sisters around us who are yet to know and love Him, who are yet to receive the fullness of Life for which we have all been created, and without which their hearts will be ever restless – until they find Jesus and His heart which awaits them?
May our Lady, Mary Mother of Our Lord, lead us all in our longing and labors to bring her son Jesus Christ into our time and our world, our Emmanuel – our God who remains with us now and yet whose coming again in glory we await.
Maranatha, AMEN.
For the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines:

+ JOSE S. PALMA, D.D.
Archbishop of Cebu
President
July 9, 201