Monday, August 13, 2012

ORATIO IMPERATA UPANG IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD


Makapangyarihang Ama, itinataas namin ang aming mga puso sa pasasalamat sa Iyong mga kahanga-hangang ginawa na kung saan kami ay bahagi, gayundin sa pagtataguyod mo sa aming mga pangangailangan at sa Iyong karunungan na gumagabay sa lahat ng pagkilos ng sangnilikha.

Kinikilala namin ang aming mga kasalanan sa Iyo at sa lahat ng Iyong nilikha. Kami ay hindi naging mabuting katiwala ng Kalikasan.Hindi namin naunawaan ang Iyong kautusan na pamahalaan ang daigdig. Ang kalikasan ay nasasalanta dahil sa aming mga kamalian, at ngayon ay inaani namin ang bunga ng aming pang-aabuso at kawalang pakialam.

Narito na ang global warming. Ang mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at iba pang kalamidad ay paparami at tumitindi.  Lumalapit kami sa Iyo, aming mapagmahal na Ama, at humihingi ng tawad sa aming kasalanan.

Hinihiling namin na kami, ang aming mga mahal sa buhay at ang aming mga pinaghirapang ari-arian ay maligtas mula sa mga banta ng kalamidad likas man o gawa ng tao. Isinasamo namin na kami ay pagkalooban Mo ng inspirasyon na lumago sa pagiging mabuting katiwala ng Iyong Nilikha at maging bukas palad kami sa mga nangangailangan naming kapwa. Amen.