Liham
Pastoral ng Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas Ukol sa Panahon ng
Bagong Ebanghelisasyon
ISABUHAY SI KRISTO, IBAHAGI SI KRISTO
Pagtanaw sa ating Ika-limandang Taon
Humayo
kayo at gawin ninyong alagad ko... (Mt. 28:19)
Tinatanaw
natin nang may pasasalamat at kagalakan ang ika-16 ng Marso 2021, ang ikalimang
sentenaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating lupain. Ginugunita natin nang
may pasasalamat ang unang Misa na ipinagdiwang sa Isla ng Limasawa noong ika-31
ng Marso ng taon ding iyon. Ginugunita natin ang binyag ni Rajah Humabon na
binigyan ng Kristiyanong pangalang Carlos at ang kanyang maybahay na si Hara
Amihan na bininyagang Juana noong 1521. Nakatuon ang ating pansin sa Santo Nino
de Cebu, ang pinakamatandang imahen sa Pilipinas, na regalo ni Ferdinand
Magellan sa mga unang Pilipinong Katoliko ng taong iyon. Tunay na ang taong
2021 ay magiging isang Taon ng Dakilang Jubileo sa Simbahan sa Pilipinas.
Kaugnay
nito, tayo ay maglulunsad ng siyam na taong espirituwal na paglalakbay na ang
pinakatampok ay ang Dakilang Jubileo ng 2021. Ito ay isang kaganapang puspos ng
mga biyaya na magsisimula sa ika-21 ng Oktubre 2012 hanggang ika-16 ng Marso
2021.
Tunay
na mabiyaya ang ika-21 ng Oktubre ng taong ito, sapagkat isang Pilipino ang
ibibilang ni Papa Benedicto XVI sa hanay ng mga banal, ang ating kababayang
martir mula sa Kabisayaan na si Pedro
Calungsod na nag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa pananampalataya noong
ika-2 ng Abril 1672 sa Guam.
Ang
pagtatalaga kay Pedro Calungsod bilang santo ay magaganap sa liwanag ng ika-50
taong anibesaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, ng ika-20 taong
anibersaryo ng paglilimbag ng Katesismo ng Simbahang Katolika, at ng
pagpapahayag ng Santo Papa ng Taon ng Pananampalataya mula ika-11 ng Oktubre 2012
hanggang ika-24 ng Nobyembre 2013. Ang Ika-13 Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops na may temang “Ang Bagong Ebanghelisasyon para sa Paghahatid ng Kristiyanong Pananampalata” ay magaganap sa
Roma mula ika-7 ng Oktubre hanggang
ika-28 ng Oktubre ng taon din iyon.
PANANAMPALATAYA AT EBANGHELISASYON
Ang
lahat ng kaganapang ito ngayong taon ay pinag-uugnay ng mga paksang
“pananampalataya” at“ebanghelisasyon”. Ang ebanghelisasyon ay tumutukoy sa
pagpapahayag, paghahatid at pagsaksi sa Mabuting Balita na ibinigay ng
Panginoong Hesukristo sa sangkatauhan at ng pagbubukas ng buhay ng mga tao,
lipunan, kultura at kasaysayan sa Katauhan ng Panginoong Hesukristo at sa
Kanyang buhay na sambayanan, ang Simbahan.
Ang
“Bagong Ebanghelisasyon na ito” ay
nakalaan sa mga tumalikod sa Pananampalataya at sa Simbahan sa mga bansang Katoliko,
lalo na sa Kanluran.
Hinahamon
tayo ng “Bagong Ebanghelisasyon” sa
Asya na muling isaalang-alang ang “mga bagong pamamaraan sa mabisang paghahatid
ng Mabuting Balita sa mga tao. Hinahamon tayo na paunlarin sa Simbahan at sa
ating bansa ang pinagpanibagong
pagtatalaga ng sarili at kasigasigan sa pagsasabuhay ng Mabuting Balita sa
iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Gayundin, tayo ay hinahamon na maging mga
tunay na saksi ng ating pananampalataya, lalo na sa mga karatig bansa natin sa
Asya bilang bunga ng ating pinaigting na ugnayan sa Panginoon.
ANO ANG MGA GAMPANING NAPAPALOOB SA PANAHON NG
BAGONG EBANGHELISASYON SA PILIPINAS?
May
apat na haligi ang mga gampanin:
Una,
pagpapaunlad at pagsasakatuparan ng “missio
ad gentes” bilang natatanging bokasyon ng ating Simbahan sa ating bansa,
mabisang pakikipagtulungan sa mga layko; ang ating kaparian at mga seminarista;
mga relihiyoso at relihiyosa.
Ikalawa,
“paghahatid ng Mabuting Balita sa mga
dukha”. Muli, bilang mga
Pilipinong Katoliko na nagninilay sa ating mga prayoridad, nakikita natin na
ating Simbahan ay dapat na maging tunay na “Simbahan
para sa mga dukha at kasama ang mga dukha.”
Ikatlo,
ang pag-abot sa mga kapatid natin na
ang buhay pananampalataya ay gumuho na o naglaho na dahil sa pagkalito, moral
na relatibismo, pag-aalinlangan, agnostisismo
(o pagtanggi sa kakayahan ng tao na magkaroon ng kaalaman ukol sa Diyos); pag-abot sa mga lumayo sa
Pananampalataya at Simbahan, at umanib na sa ibang relihiyon o sekta.
Panghuli,
pagmumulat o pagmumulat na muli sa pananampalataya, paghuhubog sa
Kristiyanong pamumuhay ng mga kabataan at mga samahang pangkabataan, sa mga
lungsod at kanayunan.
Ang
siyam na taong paglalakbay para Bagong Ebanghelisasyon ay naitakda na at
masayang magtatapos sa Taon ng Jubileo 2021: Paghubog sa Pananampalataya
(Integral Faith Formation (2013); ang mga Layko (2014); ang mga Dukha (2015);
ang Eukaristiya at Pamilya (2016); ang Parokya bilang Pagkakaisa ng mga
Pamayanan (2017); ang Kaparian at mga Relihiyoso (2018); ang mga Kabataan
(2019); Ecumenism at Inter-Religious Dialogue (2020); Missio ad gentes (2021). Ito ang siyam na pastoral na prayoridad ng
Simbahan sa Pilipinas.
Isa-isa
nating bibigyang pansin ang mga aspeto ng ating pananampalataya,
ebanghelisasyon at pagiging disipulo. Marapat lamang na sa pagtanggap natin sa
pananampalataya 500 taon na ang nakalilipas, ay mithiin natin na sa taong 2021
tayo ay maging isang tunay na Simbahan na humahayo.
Sa
gitna ng sekularismo na sa ilang bahagi ng mundo ay mistula ng isang
“dominanteng relihiyon”, sa gitna ng katotohanan ng bilyong tao na nabubuhay sa
panahon ngayon na hindi pa tunay na nakakatagpo si Hesukristo o nakakapakinig
sa Kanyang Mabuting Balita, tayo ay hinahamon na magsumikap alang-alang sa
“Bagong Ebanghelisasyon”. Para sa atin si Hesus ang Daan, ang Katotohanan at
ang Buhay- paano natin hindi hahangarin na ibahagi Siya sa mga kapatid natin na
hindi pa nakakakilala at nagmamahal sa Kanya, gayundin sa mga tatanggap pa lamang ng kaganapan ng buhay na siyang
dahilan kung bakit tayo nilikha at kung wala ito ay hindi tayo
mahihimlay-hanggang kanilang matagpuan si Hesus at ang Kanyang puso na
naghihintay sa kanila?
Gabayan
nawa tayo ng Mahal na Ina sa ating mga mithiin at pagsisikap na ihatid sa
sangkatauhan si Hesukristo na kanyang
anak, ang Emmanuel- ang Diyos na laging sumasaatin at ating pinananabikan.
Maranatha,
AMEN.
Para
sa Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas
+JOSE S. PALMA, D.D.
Arsobispo ng Cebu
Pangulo ng CBCP
Ika-9
ng Hulyo 2012