ANG PAMAYANAN NI SAN JOSE, ISANG KASAYSAYAN, ISANG BIYAYA
Isang malaking biyaya ng Diyos na maging isang Parokya! Tanda ito ng paglago sa pananampalataya ng mga mamamayan at ng marubdob na mithiin ng Simbahan na mas mapaglingkuran ang mga mananampalataya.
Ang Katedral ni San Nicolas de Tolentino sa Lungsod ng Kabanatuan ay dating binubuo ng 54 na barangay bago ilipat sa pangangalaga ng Parokya ni Sa Vicente Ferrer ang 7 barangay paglampas ng tulay ng Valdefuente. Malaking bilang pa rin ng mga barangay ang naiwan sa pangangalaga ng Katedral kung ihahambing sa bilang ng mga Pari na ngalilingkod dito. Bunsod ng layuning ilapit ang Simbahan sa mga mamamayan at upang higit na magampanan ang mga pangangalagang pastoral, itinadhana ng Lubhang Kagalang-galang Sofronio A. Bancud,SSS,DD Obispo ng Kabanatuan at Punong Pastol ng Katedral ni San Nicolas de Tolentino na ihanda upang maging quasi parish ang mga barangay sa silangang bahagi ng Lungsod ng Kabanatuan.
Malaking tulong sa paghahanda ang ginawang pakikipamuhay ng mga Madre ng Daughters of St. Paul noong Abril hanggang Mayo ng taong 2005. Nagsagawa sila ng survey na nakatulong upang makita ang kalagayan ng mga pamayanan noong panahong iyon.
Pormal na pinasimulan ang paghahanda sa pagiging Quasi Parish noong Oktobre 14, 2006 sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga Sangguniang Pastoral ng 16 na barangay at 3 sitio na sasakupin ng itatag na Quasi Parish. Inilatag sa mga Lider Layko ang panukala at lubos nila itong ikinagalak at nagpahayag sila ng kanilang hangarin na suportahan ang itatatag na Quasi Parish. Mabilis na nabuo at naitatag noong Oktobre 16, 2006 ang Finance Council na siyang katuwang ng Pari sa pangangasiwa sa pananalapi.
Pananampalataya, kasipagan at kasigasigan ang panimulang puhunan ng mga mananampalataya sa bahaging ito ng Lungsod ng Kabanatuan. Ang isang taong paghahanda ay kinakitaan ng kanilang maalab na paghahanda na maging Quasi Parish. Payak na payak ang naging simula ng lahat. Walang sariling lupa para sa simbabahan. Walang pananalapi.Ngunit mayaman sa mga taong may pananampalataya, pag-ibig, pagkakaisa at paglilingkod. Upang higit na mamulat ang mga mananampalataya sa mga ginagawang paghahanda, naging regular ang Misang pang-Linggo sa Barangay Bangad. Isinagawa din ang pagdalaw sa mga barangay at sitio at ang paghuhubog sa mga Lider Layko na may mahalagang papel na ginagampanan sa mga paghahanda. Kapuri-puri din ang binuong Plegde System ng Finance Council na maging daan upang mahimok ang mga mananampalataya na maging bahagi sa mga paghahanda sa pamamagitan ng kanilang mga tulong pananalapi.
Tunay ngang malinaw na kumikilos ang Diyos. Isang pamilya ang boluntaryong naghandog ng lupang pagtatayuan ng Simbahan ni San Jose. Biyaya ng Diyos ang lupang handog nina G. at Gng. Florencio at Asuncion Reyes ng Kapitan Pepe, Lungsod ng Kabanatuan. Noong ika-8 ng Sepyembre 2007, Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, itinakda ng Lubhang Kagalang-galang na Obispo Sofronio A. Bancud,SSS,DD and pagtatatag ng St. Joseph Quasi Parish sa ika-27 ng Oktobre 2007.
Sa pagdiriwang ng Banal ng Eukaristiya noong Oktobre 27, 2007 na pinangunahan ng Mahal na Obispo itinatag ang St. Joseph Quasi Parish at itinalaga si Reb. Padre Jose Salvador Mallari bilang Paring Tagapangasiwa. Mula noon ang banal na Sakramento ay nakalagak na sa Simbahan ni San Jose kung saan palagian nang ipinagdiriwang ang Banal na Eukaristiya at iba pang mga sakramento. Kinakitaan ng kasiglahan ang mga mananampalataya. Dumami ang dumadalo sa mga pagdiriwang at marami ang naakit sa paglilingkod sa pamayanan. Handa na sa pagiging ganap na Parokya!
Sa marangal na Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya na pinamunuan ng Lubhang kagalang-galang na Obispo Sofronio A. Bancud,SSS,DD noong Oktobre 18, 2008, itinatag ang Parokya ni San Jose, Kabiyak ng Puso ni Maria at itinalaga si Reb. Padre Jose Salvador Mallari bilang kauna-unahang Kura Paroko.
PANANAW at PAGTATALAGA
Ang sambayanan ni St. Joseph Parish ay kasalukuyang nangangarap ng isang malaking simbahan. Ang daan papunta sa simbahan, ay may mga nakatanin na puno na may iba’t-ibang kulay ng bulaklak. Nakikita naming si Hesus na nag-aanyaya sa mga mananampalataya mabuti man o naliligaw ng landas. Sa loob ng simbahan ay maraming mananampalataya na nagdiriwang at nakikinig ng Mabuting Balita ng Panginoon at upang muling gunitain ang dakilang paghahandog ni Kristo ng kaniyang katawan at dugo sa anyo ng tinapay at alak. Maraming masiglang naglilingkod na may ugnayan at pagsusunuran. Maraming pamilya ang sama-samang nakiki-isa. Nakita din naming ang mga grupo ng kalalakihan na may na nag-iinuman at mga babaeng nagsusugal at payat ng mga bata. Ito ang mga hamon sa mga lider-lingkod.
PANANAW at PAGTATALAGA NG DIOSESIS
A. PANANAW (VISION)
Sambayanang nakasentro kay Kristo, may banal na pamumuhay, marangal na pagkatao, taos-pusong paglilingkod, at nakikipagka-isa, tinawag upang itaguyod ang Kaharian ng Diyos, naglalakbay nang may pag-asa at galak, tungo sa kaganapan ng buhay.
B. PAGTATALAGA (MISSION)
Sa patnubay ng Banal na Espiritu, at sa tulong ng Mahal na Birheng Divina Pastora, itinatalaga naming an gaming sarili na maging: mabuti ang pagkatao, tapat at mabuting katiwala, mabisa at mapagmalasakit na lingcod, sa pagtataguyod ng kahalagahan ng pamilya at buhay, kabataan at katandaan, katarungan at kapayapaan, kapaligiran at kalikasan, at sa pagsasakatuparan ng mga pang-Diosesis ng planong pastoral ng aming pamayanan.