GOLDEN JUBILEE CELEBRATION OF THE DIOCESE OF CABANATUAN

This is the official jubilee logo of the GOLDEN JUBILEE celebration of the Diocese of Cabanatuan.

LET US SUPPORT TO BUILD St. JOSEPH CHURCH

St. Joseph The Husband of Mary Parish.

SAN PEDRO CALUNGSOD CHAPEL BLESSING

Sitio Pineda, Brgy Bagong Sikat, Cabanatuan City

MEDICAL and DENTAL MISSION 2013

Alay Pasasalamat sa Ikalimang Anibersaryo ni San Jose.

PASASALAMAT, PANANALIG, PAGLILINGKOD

Ikalimang TAONG Anibersaryo sa taon ng Jubileo.

Monday, March 26, 2012

MGA TAGUBILIN PARA SA MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA EUKARISTIYA

Ang Banal na Eukaristiya ang bukal at tugatog ng ating pananampalataya. Dito ay ginugunita at ipinagdiriwang natin ang mga misteryo ng ating pananampalataya. Ito ang pinakamataas na antas ng panalangin at pagsamba sa Diyos.

Narito ang ilang mga tagubilin para sa mas makabuluhang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

1. Magpahinga at matulog nang maaga upang hindi mahuli sa oras ng Banal na Misa. Alamin ang takdang oras ng Banal na Misa kung araw ng Linggo (6:15 ng umaga at 8:00 ng umaga). Huwag ugaliing nahuhuli sa banal na pagdiriwang. Dapat masimulan ang pagdiriwang ng Banal na Misa.

2. Magbihis ng damit na angkop sa banal napagdiriwang. Hindi naman kailangang bago o mamahalin ang damit. Hindi angkop ang mga sumusunod: shorts, sando, sleeveless, plunging necklines, spaghetti, tubes, sombrero. Magbihis nang marangal. Diyos ang makakaharap natin na higit pa sa sinumang mataas o mahalagang tao.

3. Ugaliing basahin sa bahay ang mga Salita ng Diyos para sa araw ng Linggo. Pagdasalan ito at pagnilayan.

4. Magdasal bago umalis ng bahay at habang naglalakbay patungong bahay dalanginan. Iwasang makiisa sa mga hindi makabuluhang pag-uusap. Hindi nakakatulong ang mga ito upang ituon ang pansin at buong sarili sa dadaluhang banal napagdiriwang.

5. Kapag nasa bahay dalanginan na maglaan ng ilang sandal ng katahimikan bilang paghahanda sa pagdiriwang. Manalangin nang tahimik.

6. Kung may dalang cell phone patayin muna ito o ilagay sa silent mode upang hindi ka maabala at hindi makaabala habang ginganap ang banal na pagdiriwang.

7. Makiisa sa mga panalangin at pag-awit sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. Hindi sapat ang nakaupo, nakaluhod o nakatayo lamang. Ang pagdiriwang ay nag-aanyaya sa lahat na aktibong makiisa.

8. Pakinggang mabuti ang Salitang Diyos at ang pagninilay ng pari. Gabay ito sa pamumuhay para maging mabuting Katoliko.

9. Bahagi ng banal na pagdiriwang ang pag-aalay. Tungkulin natin bilang mga binyagan na suportahan ang pangangailangan ng Simbahan at ng mga tagapaglingkod nito. Ginugugol ng Simbahan ang mga handog para sa pagpapatuloy ng kanyang misyon. Bagamat hindi sapilitan ito, bawat mananampalataya ay dapat maghandog ayon sakanyang makakayanan at bukal sa kalooban.

10. Pumila sa panahon ng Pakikinabang. Tiyaking nakapagkumpisal at walang anumang kasalanang mortal.

11. Pakinggan ang mga pabatid at paalala na karaniwang binabasa pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang. Huwag munang umuwi. Hindi pa tapos ang pagdiriwang sa bahaging ito. Natatapos ang pagdiriwang sa huling pagbabasbas ng pari.

12. Pagkatapos ng pagdiriwang makisalamuha sa mga kapwa Katoliko. Masaya ang pakikipag-kaibigan sa mga kapatid sa pananampalataya.

13. Dalhin sa tahanan, opisina, at kahit saan ang biyayang natanggap sa pagdiriwang.

14. Sa susunod na Linggo bumalik muli parasa banal napagdiriwang.

Friday, March 23, 2012

MGA GAWAIN SA PANAHON NG KUWARESMA




Muli na naman tayong pumasok sa pinakatampok na bahagi ng taong liturhikal ng Simbahan.  Ating ipagdiriwang at sasariwain ang kaligtasang kaloob sa ating ng Diyos sa pamamagitan ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Inaanyayahan tayo na balikan ang ating mga pangako sa Binyag upang maiwaksi ang ating mga kasalanan at pagkamakasarili, at kaisa ni Kristo maialay ang ating mga sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. (+ SOFRONIO A. BANCUD, SSS, DD, Obispo ng Cabanatuan)

MGA GAWAIN SA PANAHON NG KUWARESMA AT PAGDIRIWANG NG MAHAL NA ARAW 2012
                                               
Istasyon ng Krus (Tuwing Biyernes)
                        6:30 ng umaga Banal na Misa
                        3:30 ng hapon Istasyon ng Krus
Kumpisalang Bayan (Marso 16)
                        9:00 ng umaga-12:00 ng tanghali
Lenten Recollection (Marso 23)      
      6:00 ng gabi- 8:00 ng gabi
Abril 1            Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon (Linggo ng Palaspas)
6:15 ng umaga                          Pagbabasbas ng Palaspas (Univille Club House)
                                                Susundan ito ng prusisyon patungong Simbahan para sa Pagdiriwang ng Banal na Misa
8:00 ng umaga                          Banal na Misa at Pagbabasbas ng Palaspas
Abril 2            Lunes Santo
8:00 ng umaga                         Istasyon Heneral
                        5:30 ng hapon                         Banal na Misa
Abril 3            Martes Santo
5:30 ng hapon                         Banal na Misa
Abril 4            Miyerkules Santo
5:30 ng hapon                         Banal na Misa
Abril 5            Huwebes Santo
                        7:00 ng umaga                         Panalangin sa Umaga
8:00 ng umaga                         Misa ng Krisma sa Katedral ni San Nicolas de Tolentino
                        5:00 ng hapon                          Misa sa Paghahapunan ng Panginoon
                        6:00 ng gabi-12:00                  Pagtatanod sa Banal na Sakramento
                        ng hatinggabi
Abril 6            Biyernes Santo
                        7:00 ng umaga                         Panalangin sa Umaga
                        9:00 ng umaga-11:00               Kumpisalan
                        ng umaga
                        12:00 ng tanghali                     Pagninilay sa Pitong Huling Wika
3:00 ng hapon                         Pagdiriwang sa Pagpapakasakit ng Panginoon
4:30 ng hapon                         Prusisyon sa Libing ng Panginoon
Abril 7            Sabado Santo
                        7:00 ng umaga                         Panalangin sa Umaga
                        9:00 ng umaga                         Pagdalaw sa mga May Sakit
                        7:00 ng gabi                            Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko
                                                                       ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon

       Unang Yugto                                           Pagbabasbas ng Apoy
       Ikalawang Yugto                                     Pagpapahayag ng Salita ng Diyos
         Ikatlong Yugto                                        Pagdiriwang ng Binyag
       Ika-apat na Yugto                                   Pagdiriwang ng Eukaristiya
Abril 8            LINGGO NG PAGKABUHAY
                        4:00 ng umaga             Salubong
 Ang imahen ni Kristong Muling Nabuhay ay magmumula sa kapilya ng Bangad Casiong, samantalang ang Mahal na Birhen ay magmumula naman sa kapilya ng Camp Tinio.
5:00 ng umaga             Banal na Misa
7:30 ng umaga             Banal na Misa
5:30 ng hapon              Banal na Misa

Sunday, March 11, 2012

MENSAHE NG OBISPO

Buong kagalakan kong ipinahahatid ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mananampalataya ng Parokya ni San Jose, ang Kabiyak ng Puso ni Maria sa Brgy. Bangad, Lunsod ng Cabanatuan ngayong pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng inyong minamahal na pintakasi ngayon Marso 19, 2012.

Si San Jose ay isang dakilang halimbawa at inspirasyon sa lahat ng mga Kristiyano sa ating panahon. Ang kanyang tapat na pagsasabuhay at pagpapahayag ng pananampalataya ay tunay na nagbigay-liwanag sa mga taong nasa lilim ng kasalanan at kasamaan. Sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa pagmamahal kay Hesus at Maria, maraming Kristiyano ang naakit sa kanyang pamumuhay at nanghihingi ng kanyang paggabay.

Sa yugtong ito ng ating kasaysayan, lalo sa paghahanda para sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng ating diocesis, tayo ay tinatawagan ng ating Inang Simbahan tungo sa isang “Pinagpanibagong Ebanghelisasyon” na kung saan tayo’y binibigyan ng mahalagang misyon na ipahayag ng buong sigasig sa kasalukuyang panahon ang ating pananampalataya sa salita at gawa. Taglay ang ating malalim na pananalig kay Kristo, maihatid nawa natin sa mundo nang may buong kagalakan at kasigasigan ang Mabuting Balita ng kanyang mapanligtas na pag-ibig.

Sa tulong ng panalangin ni San Jose, nawa’y kasihan kayo lagi ng pagpapala ng Diyos sa maringal ng pagdiriwang na ito ng inyong pamayanan. Maligayang kapistahan sa inyong lahat!


 +SOFRONIO A. BANCUD, SSS, DD
Obispo ng Cabanatuan

ANG PONDO JOSEFINO

Ano ang Pondo Josefino?
            Ano Pondo Josefino ay magkatuwang na proyekto ng Parish Pastoral Council at Finance Council ng Parokya ni San Jose. Layunin nito na imulat ang kamalayan ng mga mananampalataya sa kahalagahan ng mga gawaing kabutihan na nagmumula sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Konkretong ipinapakita ito sa araw-araw na pag-iipon ng mga barya para sa lalong mahahalagang bagay.
Ang Pondo Josefino ay pamamaraan ng pamumuhay (a Way of Life). Hindi lamang ito minsanang proyekto kundi pang-matagalang pagpopondo ng pagmamahal, pagmamalasakit at pagkakawang-gawa. Samakatuwid, ang iipunin ay hindi lamang salapi kundi gawang kabutihan, malaki man o maliit.

Ano ang batayang aral mula sa Bibliya ng Pondo Josefino?

Mula sa Mga Gawa ng mga Apostol (2:42-47)

Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa pananalangin… At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilan ay ipapamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Ano ang mga pagpapahalagang itinataguyod ng Pondo Josefino?

            Payak na Pamumuhay (Simple Lifestyle)
            Sa pamamagitan ng Pondo Josefino ang mga mananampalataya ay hinihimok na mamumuhay ng payak o simple. Anumang bagay, pera o ari-arian na sobra na sa kailangan ng tao ay dapat ibahagi sa iba. Kapag namumuhay ang tao ng sobra na sa kailangan niya malaki ang posibilidad na siya ay maging materyoso at manhid sa pangangailangan ng iba. Kaakibat ng payak na pamumuhay ang pagtitipid alang-alang sa ibang tao na nangangailangan.

            Pagtanggi sa Sarili (Self-Denial)
            Dahil iniisip ang kabutihan o kapakanan ng iba isasantabi ng tao ang kanyang personal na mithiin o kaginhawahan. Magkakaroon ang tao ng kakayahang damahin ang hirap ng iba at bunsod nito ay magsisikap siyang gumawa ng mabuti at mag-isisp para sa kapakanan ng kanyang kapwa. Kaakibat din nito ang kakayang magsakripisyo para sa lalong mabuting adhikain.

Pagkakawang-gawa (Charity)
            Nag-iipon ng pera sa alkansiya ang tao hindi dahil sobra o hindi na kailangan kundi dahil alang-alang sa kawang-gawa sa kapwa. Bunsod ng pagmamahal sa kapwa ang pag-iimpok ng mga barya sa alkansiya. Ang naiipon ang konkretong pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Hindi namamalayan ng nag-iipon na nakakatulong na siya sa ibang tao. 

Para saan ang Pondo Josefino?
1.      Ito ay para sa patuloy na pagpapatayo ng simbahang bato ng Parokya ni San Jose.
2.      Ilalaan ang kalahating porsiyento nito para sa:
a.       patuloy na paghuhubog ng mga lider-layko
b.      mga gawaing pang-ebanghelisasyon tulad ng pagtuturo sa mga bata
k.  Binyagang Bayan, Kumpilang Bayan, Kasalang Bayan
d.  Feeding Program
e.   pagtulong sa mga mahihirap na mag-aaral