Ang Banal na Eukaristiya ang bukal at tugatog ng ating pananampalataya. Dito ay ginugunita at ipinagdiriwang natin ang mga misteryo ng ating pananampalataya. Ito ang pinakamataas na antas ng panalangin at pagsamba sa Diyos.
Narito ang ilang mga tagubilin para sa mas makabuluhang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.
1. Magpahinga at matulog nang maaga upang hindi mahuli sa oras ng Banal na Misa. Alamin ang takdang oras ng Banal na Misa kung araw ng Linggo (6:15 ng umaga at 8:00 ng umaga). Huwag ugaliing nahuhuli sa banal na pagdiriwang. Dapat masimulan ang pagdiriwang ng Banal na Misa.
2. Magbihis ng damit na angkop sa banal napagdiriwang. Hindi naman kailangang bago o mamahalin ang damit. Hindi angkop ang mga sumusunod: shorts, sando, sleeveless, plunging necklines, spaghetti, tubes, sombrero. Magbihis nang marangal. Diyos ang makakaharap natin na higit pa sa sinumang mataas o mahalagang tao.
3. Ugaliing basahin sa bahay ang mga Salita ng Diyos para sa araw ng Linggo. Pagdasalan ito at pagnilayan.
4. Magdasal bago umalis ng bahay at habang naglalakbay patungong bahay dalanginan. Iwasang makiisa sa mga hindi makabuluhang pag-uusap. Hindi nakakatulong ang mga ito upang ituon ang pansin at buong sarili sa dadaluhang banal napagdiriwang.
5. Kapag nasa bahay dalanginan na maglaan ng ilang sandal ng katahimikan bilang paghahanda sa pagdiriwang. Manalangin nang tahimik.
6. Kung may dalang cell phone patayin muna ito o ilagay sa silent mode upang hindi ka maabala at hindi makaabala habang ginganap ang banal na pagdiriwang.
7. Makiisa sa mga panalangin at pag-awit sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. Hindi sapat ang nakaupo, nakaluhod o nakatayo lamang. Ang pagdiriwang ay nag-aanyaya sa lahat na aktibong makiisa.
8. Pakinggang mabuti ang Salitang Diyos at ang pagninilay ng pari. Gabay ito sa pamumuhay para maging mabuting Katoliko.
9. Bahagi ng banal na pagdiriwang ang pag-aalay. Tungkulin natin bilang mga binyagan na suportahan ang pangangailangan ng Simbahan at ng mga tagapaglingkod nito. Ginugugol ng Simbahan ang mga handog para sa pagpapatuloy ng kanyang misyon. Bagamat hindi sapilitan ito, bawat mananampalataya ay dapat maghandog ayon sakanyang makakayanan at bukal sa kalooban.
10. Pumila sa panahon ng Pakikinabang. Tiyaking nakapagkumpisal at walang anumang kasalanang mortal.
11. Pakinggan ang mga pabatid at paalala na karaniwang binabasa pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang. Huwag munang umuwi. Hindi pa tapos ang pagdiriwang sa bahaging ito. Natatapos ang pagdiriwang sa huling pagbabasbas ng pari.
12. Pagkatapos ng pagdiriwang makisalamuha sa mga kapwa Katoliko. Masaya ang pakikipag-kaibigan sa mga kapatid sa pananampalataya.
13. Dalhin sa tahanan, opisina, at kahit saan ang biyayang natanggap sa pagdiriwang.
14. Sa susunod na Linggo bumalik muli parasa banal napagdiriwang.
Monday, March 26, 2012
MGA TAGUBILIN PARA SA MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA EUKARISTIYA
7:47 PM
St. Joseph