Ang
Talambuhay ni Beato Pedro Calungsod
Si PEDRO CALUNGSOD ay isang kabataang nagmula sa
rehiyong Bisaya ng Pilipinas. Konti lamang ang nalalaman tungkol sa kanyang
buhay. Ayon sa mga nasusulat, si Pedro ay tinuruan upang maging katekistang
layko sa seminaryo minore ng mga Heswita sa Loboc, Bohol. Para sa mga batang
nahimok tulad niya, ang paghuhubog ay kinabibilangan...