PANALANGIN
SA PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG GININTUANG TAON NG JUBILEO NG DIOCESIS NG
CABANATUAN
(1963-2013)
Amang Makapangyarihan, bilang
isang sambayanan, kami ay sama-samang naghahanda sa pagdiriwang ng ika-50 taon
ng pag-iral ng Diocesis ng Cabanatuan.
Buong kababaang loob naming
kinikilala at ipinagpapasalamat ang mga biyayang kaloob mo sa amin bilang isang
Sambayanan, lalo na ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Nagpapasalamat
kami sa pagyabong ng aming
pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan na patuloy na
nagpapadalisay sa amin.
Itinataas namin sa iyo ang mga
adhikain ng aming diocesis, sa pangunguna ng aming Obispo, Kaparian at mga
Lider Layko. Hangad namin na maging isang sambayanang nakasentro kay Kristo.
Akayin Mo kamin tungo sa banal na pamumuhay. Maging marangal nawa ang aming pagkatao. Taos-puso nawa kaming makapaglingkod, alang-alang
sa pagtataguyod ng Kaharian ng Diyos. Patuloy nawa kaming maglakbay nang may
pag-asa at galak, tungo sa kaganapan ng buhay.
Sa taong ito
ng aming paghahanda sa ika-50 taong anibersaryo ng Diocesis ng Cabanatuan,
mapukaw nawa ang kamalayan ng bawat binyagan
ukol sa yaman ng aming pananampalataya at kasaysayan.
Maging
mabiyaya nawa para sa aming lahat ang pagdiriwang ng aming Ginintuang Jubileo,
upang kami ay patuloy na makapagtalaga ng aming mga sarili bilang mga saksi ng
Mabuting Balita
Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo,magpasawalang hanggan.
Amen.
Mahal na Birheng Divina Pastora, ipanalangin mo kami.
Mahal na Birheng Pastora, ipanalangin mo kami.
San Nicolas de Tolentino, Ipanalangin mo kami.