PANALANGIN PARA SA BOKASYON
(Darasalin matapos ang pakikinabang sa pagdiriwang ng
Linggo ng Mabuting Pastol, 29 April 2012)
Ama naming
makapangyarihan,
isinugo mo ang
iyong bugtong na Anak
upang tubusin kami
sa kasalanan
at ipalaganap ang
iyong paghahari sa lupa.
Padaluyin mo ang
iyong biyaya sa aming mga puso
upang maganap namin
ang pangunahing bokasyon
na maging banal at
kalugod-lugod sa iyong paningin,
at maging mga saksi
ng iyong walang
maliw na pag-ibig.
Umusbong nawa sa
aming Simbahan
ang mga bokasyon ng
pagtatalaga at paglilingkod.
Pagpalain mo itong
aming parokya
at ang aming
diocesis
ng mas marami pang
kabataan
na tutugon sa iyong
tawag upang maglingkod
bilang mga pari,
relihiyoso at relihiyosa.
Magpadala ka pa ng
mga hinirang
na mangunguna sa
amin
sa pagsamba sa Iyo
at paglilingkod sa kapwa.
Maging bukas nawa
ang kanilang puso
sa Iyong banal na
tawag
nang makasunod sila
sa iyo
ng may pag-ibig at
kagalakan.
Hinihiling namin
ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.
AMEN.
Mahal na Birheng
Divina Pastora, ipanalangin mo kami.
San Nicolas de
Tolentino, ipanalangin mo kami.
San Juan Maria
Vianney, ipanalangin mo kami.